POV: Witty ka ba?


Naiingit ako dun sa ibang writers na sobrang witty magsulat. Witty naman ako kapag nakausap mo ako, pero it's just that ang hirap niyang itranslate kapag isusulat mo na. 

I have this weird but at the same time cool vision na sana magkaroon ng product sa market where it automatically records everything you're doing. Lahat ng masasabi mo or maiisip mo e automatic na naka document. Tapos nakatago lang siya sa isang folder sa gadget mo and i-eedit mo na lang siya ng konti before posting it to your blog. Ang cool di ba? 

image from ajarn.com


Mostly kasi ng mga ideas ko, hindi ko na naisusulat kasi una, walang masyadong time. Pangalawa, kung magkaron man ako ng oras, hindi ko na alam kung paano sisimulan or nakalimutan ko na yung nitty gritty details ng gusto kong ipahiwatig. Pangatlo, nangyayari ang mga bagay-bagay sa mga lugar na hindi mo inaasahan. Ilang halimbawa na lang ay sa mga public transportation tulad ng jeep, fx, bus, lrt/mrt. Kung meron siguro akong abilidad na isulat lahat ng mga bagay na napapansin ko sa araw araw kong pag-commute, nakagawa na siguro ako ng libro. Marami rin akong super random thoughts everytime na nakaupo ako sa trono. Alam mo na yun! hahaha. Sa sobrang random, feeling ko, nakakarating ako sa ibang dimensyon. Minsan mapapangiti na lang ako, magugulat, malulungkot, matatawa at kung ano ano pa dahil sa mga kaweirduhang pwedeng mangyari. Pero kapag bumalik ka na sa realidad, babalik sa 'normal' ang lahat. Sana ay makapaghanap ako ng mas maraming inspirasyon para makapagsulat. 


DISCLAIMER: All content provided on this blog is for informational purposes only. The owner of this blog makes no representations as to the accuracy or completeness of any information on this site or found by following any link on this site. The pictures or videos posted here doesn't necessarily mean that it's the owner's property. The owner will not be liable for any errors or omissions in this information nor for the availability of this information. The owner will not be liable for any losses, injuries, or damages from the display or use of this information. 

Popular Posts